Pagtanggal sa pader na itinayo sa gitna ng kalsada, hiniling ng Muntinlupa LGU sa BuCor

Umapela si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa pamunuan ng Bureau of Corrections o BuCor na taga pamahala ng New Bilibid Prisons na tangalin ang pader na itinayo sa gitna ng kalsada patungong southville 3 ng Brgy. Poblacion.

Ito ay matapos maharangan ng pader ang mga dumadaan sa mga nakatira sa National Housing Authority (NHA).

Ayon kay Fresnedi, simula noong Sabado nang itayo ang nasabing pader kung saan sakop ito ng New Bilibid Prison na walang abiso na lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.


Nagpadala naman ng sulat ang BuCor kay Allen Ampaya, Barangay Chairman ng Barangay Poblacion upang ipatupad ang curfew.

Pero iginiit ni Fresnedi hindi naman inaalis ang curfew hours sa lungsod.

Sa katunayan ay umiiral aniya ang curfew hours na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Sa ngayon, wala pang tugon ang pamunuan ng BuCor sa nasabing apela ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.

Facebook Comments