Naniniwala ang isang infectious disease expert na hindi pa napapanahon ang pagtanggal sa paggamit ng face shield sa gitna ng pananatili ng Delta variant sa bansa.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paluwagin na ang patakaran sa pagsusuot ng face shields kung saan sa ospital na lamang ito gagamitin.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, infectious disease specialist at miyembro ng Department of Health Technical Advisory Group (DOH-TAG), isang malaking concern ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 na mas mabilis na makahawa.
Batay kasi sa mga pag-aaral, ang Delta variant ay 60 porsyentong mas nakakahawa kumpara sa Indian variant at orihinal na variant ng COVID-19.
Isang post concern din aniya ngayon ang Delta variant sa maraming bansa kaya naniniwala si Salvana na extra protection pa rin ang paggamit ng face shield.