Pagtanggal sa pagsusuot ng face shields, hindi pa napapanahon – WHO

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na hindi pa tamang panahon para pag-usapan ang pagpapalit polisiya sa paggamit ng face shields.

Kasunod ito ng naitalang record-high tally ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay WHO country representative Rabindra Abeyasinghe, pag-uusapan pa ng gobyerno ang pagbabago sa oras na maging kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.


Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nagre-require sa paggamit ng face shields, maliban sa suot na face masks.

Una nang sinabi ng Malakanyang na wala pang pag-uusap ang Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa pagluluwag sa pagsusuot ng face shield, sa kabila ng mga batikos na hindi naman ito lubusang nagpoprotekta sa isang tao mula sa virus.

Facebook Comments