Dinipensahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hindi paglalaan ng pamahalaan ng pondo para sa subsidiya ng Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ng pangulo na nananiniwala siyang kayang-kaya ng PhilHealth na tugunan ang lahat ng kanilang gastusin, serbisyo at pangangailangan.
Marami kasi aniyang reserbang pondo ang ahensya na nagkakahalaga ng P500 billion.
Ayon sa pangulo, ang serbisyo lamang aniya na kailangang pondohan ng PhilHealth sa loob ng isang taon ay hindi lalagpas sa P100 billion.
Habang ang gastusin naman aniya ng PhilHealth ay nasa higit P100 billion lamang kaya malaki pa rin ang matitirang reserbang pondo nito.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit binawi ng Department of Finance ang pondo ng PhilHealth dahil sa nagdaan dalawang taon ay malaki ang hindi nagamit dito.
Dahil dito, natengga lamang ang subsidiya ng gobyerno sa PhilHealth sa mga bank account nito.