Inihinto na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang pagtanggap at pagproseso ng aplikasyon para sa sa internet gaming licensees o IGLs.
Sa pagdinig ng quad committee ng Kamara, sinabi ni PACGOR Vice President for Offshore Gaming and Licensing Department Atty. Jessa Fernandez na ang naturang hakbang ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa buong bansa.
Binanggit ni Fernandez na nitong August 1 ay nagpatupad na rin sila ng hiring ban sa mga kasalukuyang IGLs kaya inaasahang na sa mga susunod na buwan ay papaunti na ang mga empleyado nito.
Binanggit ni Fernandez na nagbabawas na rin ng operational sites ang IGLs at boluntaryong nag-a-apply para sa pagpapatigil kaya sa mga susunod na buwan ay inaasahang liliit na ang kanilang operasyon.
Binanggit ni Fernandez na din nila ang IGLs ng komprehensibong plano para sa pagtigil ng kanilang operasyon pagsapit ng December 31, 2024.
Binanggit naman ni Fernandez na nakikipag-ugnayan na sila sa kaukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga empleyado ng POGO na ipapa-deport o mawawalan ng trabaho.