Binuksan na sa publiko ang aplikasyon para sa pagtanggap ng Calamity Assistance Welfare Assistance Program ng OWWA Region I para sa mga miyembro ng ahensya na lubhang naapektuhan ng Bagyong Egay.
Nito lamang nakaraang linggo, inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 ang naturang aplikasyon kung saan partikular na mag-aapply ang mga OWWA Members sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, mga bayan ng Bangar at Luna sa La Union, Dagupan City, mga bayan Basista, Mangaldan, Binmaley, Lingayen, Sta. Barbara, Calasiao at Mangatarem sa lalawigan naman ng Pangasinan.
Dito kailangan lang maipasa ng mga aplikante ang mga dokumento gaya ng Properly filled-out online Claim Form, kopya ng Passport(2nd and 3rd page), authorization letter kung hindi OFW ang tatanggap, kopya ng Valid ID ng claimant.
Nagpaalala naman ang ahensya sa mga magbabalak mag-apply na siguruhing na-scan ng malinaw at maayos ang mga requirements bago ipadala sa kanilang email address na wapcalamity.owwar1@gmail.com / region1@owwa.gov.ph.
Maglakip din anila ng aktibong numero para sa isasagawang berepikasyon.
Samantala, magtatapos naman ang aplikasyon sa October 27, 2023. | ifmnews
Facebook Comments