Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na nagsisimula na silang tumanggap para sa mga mag-a-apply ng Senior High School Voucher.
Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Nepomuceno Malaluan, ang nasabing programa ay isang ayuda para sa mga Senior High School na mag-aaral na papasok ngayong School Year 2020 – 2021.
Aniya, para sa mga interesado ay maaari lamang bisitahin ang Online Voucher Application Portal sa http://ovap.peac.org.ph para sa online na pagpasa ng application.
Ihanda aniya ang mga requirement tulad ng recent 2×2 colored ID photo, proof of financial means ng mga magulang o guardian, signed parent consent form para sa mga applikanteng 18 taong gulang pababa (bit.ly/SHSVP2020annex1), at Certificate of Financial Assistance mula sa Junior High School (bit.ly/SHSVP2020annex2).
Ang deadline ng application ay sa July 24, 2020, ngunit maaaring i-submit ang mga dokumento hanggang October 30, 2020.
Subalit, ang mga nagtapos ng Grade 10 ng SY 2019-2020 ay hindi kailangan mag-apply dahil automatic na silang kasama sa nasabing programa.