Pagtanggap ng bansa sa mga Afghan women and children, pinapamadali ni Senator Hontiveros

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Malakanyang na padaliin ang pagpasok sa bansa ng mga kababaihan at mga batang Afghan na tumatakas mula sa Taliban.

Apela ito ni Hontiveros, makaraang ihayag ng gobyerno na tataggap ito ng refugees mula sa Afghanistan na nasa ilalim ngayon ng gyera.

Sa inihaing Senate Resolution No. 881, binibigyang diin ni Hontiveros na 80% ng mamamayan ng Afghanistan na apektado ng karahasan ay mga kababaihan at mga bata.


Kaya naman hiling ni Hontiveros sa pamahalaan, bigyang prayoridad na matulungan ang mga kababaihan at kabataang naghahanap ng masisilungan mula sa nabanggit na bansa.

Paliwanag ni Hontiveros, sa ganitong paraan ay maipapakita rin natin sa buong mundo na laging handang mag-aruga ang mga Pilipino.

Facebook Comments