Pagtanggap ng booster shots kontra COVID-19 ng ilang indibidwal, iniimbestigahan na ng DOH

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na ilang indibidwal ang tumanggap na ng booster shots ng COVID-19 sa kabila nang hindi pa nito pagkakaroon ng rekomendasyon.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat na malaman kung saan nanggagaling ang mga bakuna at kung ano ang mga naging proseso kung bakit nakapasok ang mga booster shots sa bansa.

Nagbabala naman si Vergeire sa mga medical workers sa posibleng parusang kakaharapin ng mga ito oras na mapatunayang nagmumula ang mga bakuna sa mga vaccination sites.


Sa ngayon, as of July 11 ay umabot na sa 13 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Pilipinas kung saan 9.6 million Pilipino ang nakatanggap ng unang dose.

Facebook Comments