
Inupakan ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. ang pagtanggap ng House Justice Committee sa aniya’y mga kasinungalingang testimonya ni Ramil Madriaga na dating aide ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Panelo, ang pagtanggap ng komite ng mga gawa-gawang testimonya mula sa “polluted source” ay patunay lamang na ginagawa ito ng Kamara para maisulong ang kanilang politically motivated agenda.
Tinawanan din ni Panelo ang akusasyon ni Madriaga na nais siyang ipapatay ni dating Cong. Arnie Teves.
Inupakan din ni Panelo ang pahayag noon ni Madriaga na dinalaw daw siya sa piitan ni VP Sara para kumbinsihin na huwag magtestigo laban sa pangalawang pangulo.
Si Panelo ang siyang abogado ni VP Sara sa perjury case na inihain nito laban kay Madriaga.










