Pagtanggap ng mga evacuees galing Marawi sa Gensan – dadaan sa masusing proseso

General Santos City – Siniguro ng Gensan City Police Office (GSCPO) na idinaan sa masusing proseso ang pagtanggap ng mga evacuees galing sa Marawi na nakarating sa Gensan.

Sinabi ni PS/Supt Maximo Layugan, City PNP Director na bago paman makapasok ng Gensan ang mga evacuees hinahanapan muna sila ng mga Identification Card sa Check Point at i-turn over sa CSWDO at Barangay officials para malagay sa record ang kanilang pangalan.

Inaalam din kung sinong mga pamilya ang kukopkop sa kanila habang silay nasa Gensan.


Para naman sa mga evacuees na walang pamilyang dadatnan sa lunsod, handa ang Local Government Office na ilagay muna sila sa evacuation center.

Siniguro naman ng Gensan Police office na walang teroristang makakalusot kasama ng mga evacuees galing ng Marawi City.
Sa ngayon nasa 141 evacuees ang nasa record ng PNP at CSWDO.
DZXL558

Facebook Comments