Hihigpitan na ng gobyerno ang mga dayuhang manggagawa pumapasok sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa dumaraming foreign workers sa bansa, partikular ang mga Chinese.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay – gumawa sila ng bagong panuntunan kabilang na rito ang pagbabago sa patakaran ng pagkakaroon ng special working permits.
Makakapagtrabaho ng mas mahabas sa anim na buwan ang dayuhan kung mayroon itong alien employment permit.
Pero dapat mapatunayang regular na empleyado ng kumpanya ang dayuhan bago mapayagan.
Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III – obligado na silang kumuha ng Tax Identification Number (TIN).
Ang mga kumpanya na nais kumuha ng foreign worker ay kailangang makapag-secure ng Certificate of No Objection sa DOLE.
Ang bawat posisyon na i-aalok ng mga kumpanya sa mga foreigner ay maaari nang harangin sa DOLE kung may Pilipinong pwede sa posisyon.