Epektibo na simula kahapon October 15 ang temporary suspension sa pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) papasok sa Dipolog City.
Ito’y matapos napagkasunduan ng Reg’l Inter-Agency Task Force IX chairperson sa pangunguna ni DILG Reg’l Dir. Paisal O. Abutazil at Reg’l Task Force IX chairperson sa pangunguna rin ni Office of the Civil Defense Reg’l Dir. Manuel Luis M. Ochotorena ang Joint Resolution No.5 series of 2020 na may petsang October 13 nitong taon.
Ang naturang hakbang ng RIATF ay sagot sa hiling ng pamahalaang lokal ng syudad ng Dipolog na humihiling ng moratorium o temporaryong pagsuspende sa pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals na uuwi sa syudad.
Ito’y para matutukan ang gagawing contact tracing sa syudad at lalawigan ng Zamboanga del Norte dahil na rin sa tumataas na bilang ng community transmission.
Sa ngayon, ang Dipolog City ay may kabuuang 32 active case ng COVID-19, sampu dito ay mga medical health personnel.