Pagtanggap ng suhol ng isa umanong dating PNP chief, banta sa public order at national security ng bansa

Nabahala si Senator Risa Hontiveros sa impormasyong lumabas sa pagdinig ng Senado na may dating PNP Chief ang tumatanggap ng suhol mula kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Hontiveros, ito ay parehong maituturing na public order at national security concern.

Sinabi ng mambabatas na kung totoo mang may dating PNP Chief na nasa payroll ni Guo Hua Ping o Alice Guo, ito ay nagpapakita kung gaano ka-vulnerable ang ating mga law enforcers sa POGO money.


Giit ni Hontiveros, hindi katanggap-tanggap ang posibilidad na isang dating mataas na opisyal ng gobyerno na may mandatong protektahan ang kapayapaan ang siya pang nagiging instrumento sa paglaganap ng krimen sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Dagdag ng senadora, para maibalik ang tiwala sa institusyon ay dapat na magkaroon ng accountability para rito.

Facebook Comments