Pagtanggap ni VP Robredo sa posisyong ibinigay ng Pangulo, pinuri ng mga Senador

Pinuri ng mga Senador ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa appointment sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Para kay Senate President Tito Sotto III, mainam na tutukan nito ang prevention at rehabilitation.

Mabuti naman para kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa na handang tumulong si VP Leni sa war on drugs ng Administrasyon.


Katwiran ni Dela Rosa, hindi lang naman si Pangulong Duterte ang namomroblema sa ilegal na droga kundi ang buong sambayanang Pilipino.

Sabi naman ni Sen. Christopher Bong Go, Welcome Development ang aksyon ni Robredo kaakibat ang pag-asa na mula sa 82% ay aabot na sa 90% hanggang 100% ang sasang-ayon sa Drug Campaign ng Administrasyong Duterte.

Tiwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na kayang-kayang gampanan ni Robredo ang mabigat na trabaho laban sa ilegal na droga na sumisira sa ating lipunan, at nakakaapekto sa buhay at pamilya.

Handa namang magbigay si Sen. Panfilo Lacson na magbigay ng kaniyang kaalaman, karanasan at mga ideya ukol sa paglaban sa ilegal na droga.

Hangad naman ni Sen. Sonny Angara na magtagumpay si Robredo para resolbahin ang ilegal na droga na salot sa buhay ng mamamayan at ng bawat komunidad.

Buo naman ang tiwala ni Senator Win Gatchalian na kayang gampanan ni Robredo ang mandato sa kabila ng mga malisyoso at hindi karapat dapat na kritisismo dito.

Facebook Comments