Pagtanggap sa grants ng EU, ipinarerekunsidera ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Hinihikayat ngayon ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat si Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsidera ang aid ng European Union.

Sinabi ng kongresista na huwag maging balat sibuyas at tanggapin na ang grants mula sa EU.

Dapat aniyang irekunsidera ito ng gobyerno dahil malaki ang mawawala sa bansa.


Hindi dapat isakripisyo ang grants ng EU dahil lamang sa mga puna nito sa bansa lalo na sa mga nangyaring patayan sa gitna ng giyera laban sa droga.

Ang mga ganitong kritisismo ay hindi dapat ituring na pangingialam sa bansa.

Babala ni Baguilat, kung hindi babawi dito ang pamahalaan, hindi lamang ang grants ang pwedeng mawala sa bansa kundi pati ang export na umaabot ng 901 million dollars gayundin ang donasyon ng EU sa Mindanao trust fund.
DZXL558

Facebook Comments