Pagtanggap sa mga Claimants ng OWWA Isabela, Pansamantalang Sinuspinde!

*Cauayan City, Isabela- *Pansamantalang ipinatigil ng *Overseas Workers Welfare Administration o* OWWA Region II ang pagtanggap sa mga aplikasyon ng mga OFW’s o pamilya ng isang OFW para sa kanilang calamity assistance sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang kinumpirma ni OWWA Region II Officer Luzviminda Tumaliuan kung saan halos dalawang libo umano kada araw ang dumadagsa sa kanilang tanggapan upang magpasa ng applikasyon.

Aniya, kanila umanong minabuti na pansamantalang isuspinde ngayong araw ang pagproproseso sa pinansyal na tulong sa mga OFW’s dito sa lalawigan ng Isabela upang maiwasan ang mahabang pila at pagdagsa ng mga claimants.


Nilinaw naman ni ginang Tumaliuan na talagang nagbibigay umano sila ng karagdagang requirements sa isang benepisyaryo lalo na kung mayroon itong kapangalan at isang OFW lamang umano sa bawat pamilya ang maaaring mag file ng kanilang Calamity Assistance.

Ayon pa kay ginang Tumaliuan, dipende umano sa magiging usapan ng pamunuan ng OWWA Tuguegarao at sa mga PESO Officer at LGU’s kung kailan nila muling itutuloy ang pagtanggap sa mga applikasyon ng mga claimants at pamimigay ng ayuda.

Humihingi naman ng pang-unawa si ginang Tumaliuan dahil sa biglaang pag-antala sa pagproseso at pamimigay ng ayuda para sa OFW’s.

Facebook Comments