Bukas na ang lalawigan ng Pangasinan sa mga turistang mula sa GCQ at NCR-PLUS Bubble area, ito ang binigyang diin ng Provincial Tourism and Cultural Affairs office ng Pangasinan na nakadepende sa bawat bayan at siyudad sa lalawigan kung papapasukin ang mga ito.
Layunin umano na maprotektahan ang mga nasasakupan ng isang lokal na pamahalaan sa banta ng covid19 virus kung kaya’t mas pinili ng gobernador ng lalawigan na ang mga LGU na ang magpasya pagdating sa mga papasok sakanilang bayan dahil mas alam ng mga ito ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Samantala, ang mga lugar sa pangasinan na hindi pa tumatanggap ng mga turistang mula sa NCR-Plus bubble ay ang bayan ng Manaoag, bautista, balungao at lungsod ng Dagupan.
Facebook Comments