Pagtanggap sa mga young undocumented immigrants, ipinatigil na ni US President Donald Trump

World – Kinumpirma ni US Attorney General Jeff Sessions na ipinatigil na ni US President Donald Trump ang pagtanggap ng mga young undocumented immigrants o Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA).

Layon ng DACA na protektahan na ma-deport ang nasa 800,000 na tinatawag na “dreamers” na karamihan ay mga Latin Americans.

Sa isang statement, sinisi ni Trump si Obama sa pagbuo ng DACA sa pamamagitan ng executive authority habang hinimok niya ang US Congress na bumuo ng solusyon para rito.


Facebook Comments