Pagtanggi ng ilang ospital sa pasyente, pinapaimbestigahan ng 2 senador

Pinapa-imbestigahan ni Senator Christopher “Bong” Go sa National Bureau of Investigation at sa Department of Health (DOH) Health Facilities Oversight Board ang mga ospital na tumatanggi sa pasyente.

Tiniyak ni Go, na magsasagawa rin ng pagdinig hinggil dito ang pinamumunuan niyang Committee on Health and Demography.

Pahayag ito ni Go makaraang masawi ang isang buntis na manganganak na dahil tinanggihan ng anim na ospital sa Caloocan City.


Paalala ni Go, sa ilalim ng Anti-Hospital Deposit law ay may parusa ang ospital at mga opisyal nito na hanggang anim na taong pagkakulong at multa na mula ₱500,000 to ₱1,000,000.

Samantala, bukod kay Go ay nanawagan din ng imbestigasyon hingil dito si Senator Risa Hontiveros kasabay ang pagbibigay-diin na krimen ang ginagawa ng mga ospital na tumatanggi sa pasyente.

Ayon kay Hontiveros, hindi ito dapat palampasin lalo na at namatay ang pasyente matapos tanggihan ng maraming ospital.

Dagdag pa ni Hontiveros, hindi tapat maging excuse o dahilan ang COVID-19 pandemic para pagdamutan ng emergency medical care ang sinumang pasyente, mayaman man o mahirap.

Facebook Comments