
Sa pagbubukas ng 20th Congress ay isusulong ni TGP Party-list Rep. Bong Teves na imbestigahan ng Kamara ang hindi pa rin nababayarang utang ng PhilHealth sa ilang pribadong ospital.
Sabi ni Teves, target ng imbestigasyon na matukoy ang rason kung bakit may balanse pa ring utang sa mga private hospitals gayong may alokasyon para dito sa ilalim ng national budget.
Ang hakbang ni Teves ay tugon sa anunsyo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. na hindi muna sila tatanggap ng guarantee letters.
Ito ay dahil umaabot na sa P530 million umano ang utang sa kanilang hanay sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
Facebook Comments









