Pagtanggi ng Palasyo na hotspot na ang Pilipinas ng COVID-19 sa Southeast Asia, ikinadismaya ng isang senador

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa administrasyon matapos nitong itanggi na hindi pa maituturing na hotspot ng COVID-19 sa buong Southeast Asia ang Pilipinas.

Ito ay kasunod ng sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa rin natin nauungusan ang Indonesia sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Drilon, may attitude problem ang administrasyon dahil patuloy pa rin nitong itinatanggi na may problema sa ating ginagawang hakbang sa pagkontra sa pandemya.


Paliwanag pa ng Senador, hindi naman ito contest o pagalingan sa pagitan ng mga bansa kundi laban ito ng ating healthcare system kontra sa pag-akyat pa ng contamination rate ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments