Pagtanggi ng pangulo na tapatan ng water cannon ang pambu-bully ng China, kinuwestyon ng isang senador

Kinwestyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag gumamit ng ‘water cannon’ sa pagbabantay at pagdepensa sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng mga pambu-bully na ginagawa ng China.

Tanong ni Pimentel, bakit may ibang ‘powers’ o kagamitan ang ipinapasok sa bansa partikular sa isyu ng WPS kung ang intensyon ay pababain ang tensyon sa pinagtatalunang rehiyon.

Iginiit pa ng senador kung bakit dinagdagan ang bilang ng mga EDCA sites na ang ilan dito ay nakaposisyon pa malapit sa mga disputed areas.


Dagdag pa na tanong ni Pimentel ay bakit bibili ng missiles at submarines sa halip na mga surface vessels tulad ng barko na maaari pang magamit sa disaster relief operations.

Matatandaang tinanggihan ni Pangulong Marcos ang suhestyon na tapatan ng ‘water cannon’ ang ginagawang pag-water cannon ng China sa mga barko ng Pilipinas sabay giit na ang pinakahuling gugustuhin natin ay tumaas ang tensyon sa WPS at hindi kailanman susunod ang pwersa ng bansa sa mga ginagawa ng China Coast Guard at mga Chinese vessels.

Facebook Comments