Manila, Philippines – Hindi kawalan sa Pilipinas ang pagtanggi sa ayuda ng European Union.
Ito ang iginiit ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng pangambang makakaapekto ang nasabing desisyon sa investments ng European companies sa bansa.
Ayon kay Budget and Management Sec. Benjamin Diokno — maliit na halaga lang naman ng ayuda ang nakukuha ng bansa sa EU maging sa Amerika.
Bagama’t may panghihinayang, tiwala naman si dating DOH Sec. Esperanza Cabral na kakayanin ng pilipinas na tumayo sa sariling paa.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi na tatanggap ng ayuda ang pilipinas mula sa EU kung hindi naman ito kailangan o kung may kaakibat na pakikialam sa polisiya ng gobyerno.
Pero paglilinaw ng Malacañang, isang grant lang naman ang tinaggihan at tatanggap pa rin ang bansa ng humanitarian aides mula sa EU.
Ayon naman kay Thelma Gecolea, public affairs officer ng EU, hindi pa opisyal na naipapaabot ng Pilipinas ang nasabing desisyon.
DZXL558