PAGTANGGI SA PASAHERO | Kasong kriminal sa mga pasaway na Grab at taxi drivers, pag-aaralan ng Transportation Committee ng Kamara

Manila, Philippines – Pag-aaralan ni House Committee on Transportation Vice Chairman Edgar Mary Sarmiento ang panawagan ng publiko na gawing `criminal offense` ang pagpili at pagtanggi sa mga pasahero ng mga drivers ng Transportation Network Vehicle tulad ng Grab at mga taxi.

Ayon kay Sarmiento, isa ito sa kanilang mga ikukunsidera kung talagang dapat bang patawan ng parusang kriminal ang isang Grab driver o taxi driver na tumatanggi at namimili ng isasakay na pasahero.

Batid ng kongresista ang maraming problemang dumarating sa kanilang komite sa kabila ng ilang paghihigpit sa Grab.


Sa ngayon aniya ay nasa unang pagdinig pa lamang sila ng komite sa pagrereview ng TNVs.

Inaaral pa ng komite ang iba`t ibang model at dynamics ng mga TNVs ng ibang mga bansa na layong i-adapt naman sa Pilipinas.

Layunin ng paglikha ng batas sa TNVs na maging compliant ang grab at ang iba pang ride-hailing firm sa pagbibigay ng maayos na serbisyo at convenience sa mga pasahero.

Facebook Comments