Pagtangkilik ng food services sa mga ani ng local farmers, isinusulong ng isang kongresista

Ipinapaprayoridad ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap ang pagbili sa mga ani ng local farmers at producers bilang suporta sa mga magsasaka ng bansa.

Sa ilalim ng House Bill No. 7136 o ang Marketing and Utilization of Local Agricultural Produce Act of 2020, hinihimok ang hotels, restaurants at catering services na bumili ng kinakailangang agricultural products mula sa mga lokal na magsasaka at producers.

Tinitiyak ng panukala na may tuluy-tuloy na kita ang mga magsasaka at walang masasayang na ani.


Sa pamamagitan nito ay makasisiguro na sariwa at mura ang mabibili na agri-produce ng food service establishments.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbuo ng isang mekanismo kung paano magiging konektado ang business owners sa mga pinakamalapit na farmers o producers sa kanilang lugar.

Gagawin namang sentralisado ang sistema para sa mga malalayong lugar na pagkukunan ng agri-products kung saan itatakda ang ilang probinsya bilang central source.

Facebook Comments