PAGTANIM NG COCONUT TREESEEDLINGS AT MANGROVES SA DAGUPAN CITY, PINALALAWIG; ISANG LIBONG PUNLA,NAITANIM

Pinalalawig sa lungsod ng Dagupan ang pagtatanim ng coconut tree seedlings at mangrove propagules o bakawan bilang isa sa adhikain ng lokal na pamahalaan kaugnay sa hakbangin o paghahanda para sa mga kalamidad na maaaring tumama sa siyudad.
Alinsunod dito ang pagtanim ng dalawang daan o 200 na coconut tree seedlings sa bahagi ng Bonuan Tondaligan Beach upang mapalitan ang mga punong wala na sa maayos na kondisyon at mas mapaganda pa ang nasabing pasyalan.
Nasa walong daan o 800 naman na mga mangroves din o bakawan ang naitanim sa bahagi ng Cayanga River sa Bonuan Binloc.

Nagbahagi ng ilang kamalayan ang mga katuwang na ahensyang nakilahok sa tree planting ukol sa magandang maidudulot ng pagtatanim ng mga puno.
Inugnay ito sa nararanasang pagbaha sa syudad na sa pamamagitan ng pagtatanim ay maaaring isa ito sa mga salik upang maibsan ang problemang baha.
Samantala, hinikayat ng alkalde ng lungsod ang mga residente na magtanim ng marami pang puno, maaari kayong magtungo sa City Agriculture Office at mag request ng mga maaaring maitanim. |ifmnews
Facebook Comments