Pagtapos sa imbestigasyon sa nangyaring BDO hacking, pinamamadali na ng NBI

Pinamamadali na ni National Bureau of Investigation (NBI) OIC-Director Eric Distor ang imbestigasyon sa BDO hacking.

Ani Distor, dapat ay may maparusahan na sa mga sangkot na cyber criminals upang mabawi na ang mga ninakaw na pera at maibalik sa mga nagmamay-ari nito.

Inatasan ni Distor ang mga miyembro ng Directorial Staff and cyber-investigators na makipag-coordinate sa bank regulators tulad ng Bangko Sentral at iba pang government financial institutions upang palakasin ang banking systems at makapaglatag ng polisiya upang mapigilan ang mga cyber-attack sa mga bangko.


Magugunita na nagkaroon ng hacking incidents sa BDO noong December 2021 kung saan natangayan ng malalaking deposito ang daan-daang mga customer accounts.

Natimbog na noong January 17 hanggang 20, ang apat na suspek.

Sa ngayon, ayon sa NBI, may 30 pang katao ang nakatakdang ipatawag para matanong.

Facebook Comments