Pagtapos sa Kaliwa Dam, nakikitang solusyon ng MWSS sa water crisis sa bansa

Kumpiyansa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na solusyon ang Kaliwa Dam sa epekto ng nakaambang El Niño Phenomenon.

Sa isang forum sa Quezon City na may temang Philippine Water Management Agenda: Ensuring Sustainability, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Lenor Cleofas na itinuturing nila ang Kaliwa Dam na isang long term solution sa water security ng bansa.

Aniya, ngayon lang muling magtatayo ang pamahalaan ng dam mula noong since 1978.


Napapanahon aniya ito sa lumalaking populasyon at demand o pangangailangan ng inuming tubig sa Metro Manila.

Dagdag ni Cleofas, natagalan ng halos walong taon ang proyekto dahil sa malawakang pagtutol ng ilang sektor.

Gayunman, tiniyak niya na makukumpleto ang pagtatayo ng Kaliwa Dam at ang Phase 2 ng naturang proyekto.

Facebook Comments