Pagtapos sa konstruksyon ng mga pampublikong imprastraktura sa Marawi City, makukumpleto na sa December 2020

Target ng Task Force Bangon Marawi na matatapos na sa Disyembre 2020 ang konstruksyon ng mga pampublikong impraistraktura sa Marawi City.

Sa 1st Anniversary ng Republic Act 11201 o ang batas na lumikha sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sinabi ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, nakumpleto na noong Nobyembre 2019 ang debris management sa mga lugar na matinding napinsala.

Aniya, nagawang makumpleto ang clearing activity sa loob lamang ng labindalawang buwan kumpara sa inaasahan na matapos ito sa tatlong taon.


Prayoridad na maitayo sa lungsod ay mga palengke dahil ang mga ay kilalang mga mangangalakal.

Kabilang sa mga puntiryang matapos ay nasa 200 mga eskwelahan o mga solid aralan.

24 na barangays halls na mayroong health center, 50-bed capacity na ospital at gayundin ang Peace Memorial Park.

Ang pangalawang priyoridad ay pagtatayo ng Marawi City Police at Bureau of Fire Protection headquarters.

Facebook Comments