Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tuldukan ang problema sa plastic pollution sa bansa.
Kasunod naman ito ng pagdiriwang ng DENR ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo.
Batay sa datos ng United Nations, aabot sa 400 million tons ng plastic ang naipo-produce sa buong mundo sa isang taon.
Habang sa kada araw ay mayroong 2,000 trak ng basura ang itinatapon sa karagatan.
Plano ni DENR Secretary Antonia Loyzaga na mawakasan ang polusyon sa plastic sa pamamagitan ng circular economy o ang reuse, recycle.
Facebook Comments