Pagtapyas ng DBM sa pondo ng CHED para sa 2022, ikinadismaya

Umapela ng tulong sa kongreso ang Commission on Higher Education (CHED) upang itaas ang budget ng komisyon para sa susunod na taon.

Ito ay matapos tapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) sa P52.6 bilyon ang pondo ng CHED mula sa P62.3 bilyong hiniling ng komisyon.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, malaki ang magiging kakulangan ng tinanggal na P9.6 billion na hiniling ng komisyon sa DBM.


Sa pamamagitan kasi aniya nito ay mababawasan ang pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education na magbibigay ng libreng matrikula sa mga state universities at kolehiyo, local universities, at colleges, at state-run technical-vocational institutions.

Facebook Comments