Isinusulong ngayon ng isang mambabatas na bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo sa loob ng anim na buwan.
Sa House Bill No. 10438, nais ni Albay Rep. Joey Salceda na amyendahan ang fuel excise provision ng National Internal Revenue Code.
Ito ay bilang tugon sa patuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa merkado.
Layon ng panukala na ma-exempt ang diesel at kerosene sa pagbabayad ng excise tax.
Habang nakapaloob din dito ang pagbabawas sa excise tax ng gasolina sa P7 mula sa kasalukuyang P10 kada litro.
Punto pa ni Salceda na posibleng maka-apekto sa economic recovery at price stabilization ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Facebook Comments