Pagtapyas ng ng ₱1.3 billion sa OVP budget, naisapinal na ng Kamara

Inihayag ni House Appropriations committee chairman at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, na naisapinal na ng Kamara ang pagtapyas ng ₱1.3 billion sa mahigit 2-bilyong piso na panukalang pondo para sa Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Ayon kay Co, isinagawa ito ng binuong komite na responsable sa paglalapat ng mga amyenda sa 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Sabi ni Co, ang ibinawas sa pondo ng OVP ay inilipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).


Binanggit ni Co na ang ₱646.5 million ay inilaan sa Assistance to Individuals in Crisis Situations program ng DSWD habang ang ₱646.5 million ay inilaan naman sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients program ng DOH.

Dahil sa naturang hakbang na sinang-ayunan ng House Appropriations Committee at buong Kamara ay ₱733.198 million na lang ang natira sa 2025 OVP budget.

Facebook Comments