Monday, January 19, 2026

Pagtapyas ng pondo sa alokasyon para sa locally-funded flood control projects, pormal ng inirekomenda ng DPWH

Pormal ng nirekomenda ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Kongreso ang pag-alis nang alokasyon para sa locally-funded flood control projects.

Kabilang ito sa isinumiteng revised budget para sa 2026 National Expenditure Program (NEP) ng DPWH.

Dahil dito, bababa ng 28.99% ang panukalang budget ng DPWH sa P624.784 bilyon mula sa unang naisumite na P881.312 bilyon.

Sa kabuuan, aabot  sa P255.258 bilyon ang nabawas sa bagong proposed budget ng ahensya.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtanggal ng pondo sa local flood control projects sa 2026 NEP at ilaan na lang sa ibang proyekto at programa ng pamahalaan tulad ng health, education at agriculture.

Facebook Comments