Pagtapyas para sa panukalang budget sa University of the Philippines walang epekto sa bilang ng mga mag-aaral sa unibersisad

Siniguro ng Department of Budget and Management (DBM), na hindi makaaapekto sa bilang ng mga estudyanteng tinatanggap sa University of the Philippines ang pagbawas na panukalang budget nito para sa susunod na taon.

Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kinailangang tapyasan ang panukalang pondo para sa UP.

Sinabi ni Pangandaman na ang 2.93 bilyong pisong bawas sa 2024 budget ng UP ay dahil may mga infrastructure projects ang unibersidad na makukumpleto na ngayong taon, kaya hindi na ito dapat pang pondohan sa susunod na taon.


Sa ilalim ng 2024 panukalang pambansang budget na 5.768 trilyong piso, naglatag ng 22.59 bilyong piso ang pamahalaan para sa UP, mas mababa kumpara sa 25.52 bilyong pisong alokasyon sa taong ito.
.

Facebook Comments