Inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na itutuloy nya ang kandidatura sa pagkasenador sa 2022 elections kung hindi tataasan ng senado ang budget na nakalaan para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflicts (NTF-ELCAC).
Sinabi ng Pangulo na bagama’t ayaw na niya ay ito ang nagtutulak sa kaniyang tumakbo sa Senado.
Matatandaang sa ngayon ay nasa ₱10.8 billion lamang ang pondong inaprubahan ng Senado bilang 2022 budget ng NTF-ELCAC na mas mababa kumpara sa ₱30.45 billion na nasa orihinal na General Appropriations Bill.
Samantala, sa kaniyang talumpati kahapon, iginiit ng pangulo na binigyan niya noon ng pagkakataon ang mga komunista sa kaniyang gabinete pero wala naman aniyang nangyari.
Facebook Comments