
Malinaw para kay Puwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list Representative Harold Duterte na pambubully at hindi budgeting ang ginawang pagtapyas ng Kamara sa budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026.
Reaksyon ito ni Rep. Duterte makaraang ibaba sa P733.2 million ng Kamara ang P889.24 million na panukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon.
Diin ni Rep. Duterte, nabawasan man ang OVP budget pero hindi mapuputol ang pagnanais ng kanyang pinsan na si Vice President Sara Duterte na maglingkod sa mamamayang Pilipino.
Ayon kay Congressman Harold, bawat piso na tinapyas sa OVP bugdet ay nagpapakita ng makitid na pag-iisip at pagiging mapaghiganti ng mga kongresista.
Dagadg pa niya, kung ang intensyon ng mga mambabatas ay ipahiya si VP Sara, ay pawang sarili nila ang kanilang naipahiya dahil hindi matitinag ang OVP sa pagtatrabaho nang tahimik at epektibo.









