Inaasahang magiging malaki ang epekto sa 2022 election ng pagtapyas sa budget ng Comission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimez, humiling ng P41.992 bilyon ang Comelec ngunit P26.497 bilyon lamang ang isinumite ng Department of Budget and Management (DBM).
Agad namang nagsasagawa ng pagrerebyu ang komisyon upang matukoy ang magiging adjustments bunsod ng pagbaba ng pondo.
Una nang inihirit ng ilang grupo ang taas-pondo ng Comelec upang maging virus-proof ang eleksyon sa 2022.
Facebook Comments