Pagtapyas sa budget ng DSWD, sinita ni Senator Gatchalian

Sinita ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Budget and Management sa pagtapyas ng 53% o 100-billion pesos sa budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang 4.5-trillion pesos na 2021 national budget ay binigyang diin ni Gatchalian na ang DSWD ang nangunguna para tulungan ang mga mahihirap na labis ding apektado ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag naman ni Budget Secretary Wendell Avisado, ngayong taon ay 164-billion pesos lang talaga ang budget ng DSWD na tumaas at umabot ng 366.5-billion pesos dahil idinagdag ang pondo para sa Social Amelioration Program.


Kung tutuusin ayon kay Avisado, para sa susunod na taon ay tumaas pa sa 171-billion pesos ang budget ng DSWD.

Facebook Comments