Pagtapyas sa higit siyam na Bilyong piso sa pondo ng DOH, malaking hamon  

Malaking hamon sa Department of Health (DOH) ang pagkatapyas sa higit siyam na bilyong piso sa budget nila sa 2020.

Pero tiniyak ni Health Usec. Eric Domingo, hindi apektado ang programa sa bakuna.

Ang kawalan ng palikuran sa bansa ang pangunahing dahilan ng pagbabalik ng Polio.


Kaya panawagan ni Health Usec. Eric Domingo, huwag dumumi kung saan-saan.

Maliban sa Dengue at Tigdas, ang Polio ang ikatlong sakit na idineklarang may outbreak sa bansa ngayong taon.

Facebook Comments