Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mura at abot-kayang halagang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) o swab test para sa COVID-19 sa lahat ng ospital sa bansa.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mas marami ang mabibigyan ng pagkakataong magpa-swab test kung pare-pareho ang presyo sa mga pribado at pampublikong ospital.
Ang swab test aniya ang epektibong paraan para mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 cases.
Pero batid ng kalihim na mas pinipili ng mga Pilipino na gastusin ang kanilang pera pambili ng makakain at iba pang pangangailangan at sundin ang minimum health standards sa halip na kumuha ng test.
Suportado rin ng DILG ang panawagan ni 1-PACMAN Partylist Representative Mikee Romero sa Department of Health (DOH) na agad tugunan ang mga reklamo hinggil sa iba’t ibang presyo ng swab tests.