Pagtapyas sa sahod at unfair labor practices sa mga BPO employees na naka-work from home, pinapasiyasat ng Makabayan sa Kamara

Pinapaimbestigahan ng Makabayan sa Kamara ang mga napaulat na pang-aabuso ng ilang Business Process Outsourcing (BPO) companies sa “work from home arrangements” at mga ipinatutupad na “unfair labor practices”.

Inihain ng mga kongresista mula sa Makabayan Bloc ang House Resolution 997 para silipin ang pagbawas sa sweldo at allowance ng mga naka-work from home at pagpapasan sa mga empleyado ng ilang mga bayarin na dapat sana ay kumpanya ang sumasagot.

Nakarating ang mga reklamo mula sa mga BPO employees na sila ang gumagastos para sa internet subscription at kuryente na ginagamit sa pagtatrabaho.


Bukod sa pagpasa sa mga empleyado ng mga bayarin na dapat ay kumpanya ang sumasagot ay tinapyasan din ang kanilang mga sahod.

Tinukoy sa survey results ng BPO Industry Employees Network (BIEN) na sa bawat limang empleyado na naka-work from home, apat sa mga ito ang nagbabayad ng kanilang internet na ginagamit sa trabaho habang dalawa sa limang naka-work from home employees ang binawasan naman ang sweldo.

Facebook Comments