Pagtapyas sa Unprogrammed Appropriations sa ilalim ng 2026 budget, hindi sapat

Hindi sapat para kay Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ang pasya ng House Budget Amendments Review Subcommittee na bawasan ng ₱40 Billion ang Unprogrammed Appropriations (UA) dahil mahigit ₱200 Billion pa rin ang nakatago.

Giit ni Diokno, deserve ng taumbayan na malaman kung saan napupunta ang kanilang buwis kaya ang dapat ay i-zero o tuluyan ng alisin ang UA.

Apela ni Diokno, itigil na ang palusot para maipilit lang ang unprogrammed funds sa pambansang budget.

Ipinunto ni Diokno na kung kailangan ng dagdag na pondo para sa loan obligations ay may legal at malinaw na paraan at isa dito ang pagkakaroon ng supplemental budget.

Binanggit din ni Diokno na may may existing nang Contingent Fund na ₱13 Billion at National Disaster Risk Reduction and Management Fund o Calamity Funds na ₱31 Billion na pawang magagamit para sa mga kalamidad at emergency.

Facebook Comments