MANILA – Minamadali na ng kamara ang panukalang taasan ng dalawang libong piso ang pensyon sa Social Security System.Sa unang hearing ng Committee on Government Enterprises, sinabi ni Suriago Del Sur Rep. Prospero Pichay, na isinalang nila sa debate ang panukala para pag-aaralan kung saan kukuha ng pondo sa dagdag pensyon.Nauna nang nagbabala ang SSS na hanggang taong 2025 na lamang ang pondo ng ahensya kung ipipilit ang umento.Pero, sakaling hindi magbigay ng pondo ang pamahalaan, sinabi ni Sss Vice President Gregory Ongkeko, na maari silang magtaas ng kontribusyon.Una nang pumasa sa 16th congress ang panukala pero na-veto ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil kakapusin ang pondo sa SSS.
Facebook Comments