Naniniwala ang OCTA Research Group na wala pang pangangailangan na itaas ang alert level sa National Capital Region (NCR) kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi pa kailangan ang pagtataas ng alerto dahil nananatiling manageable pa ang sitwasyon sa mga ospital kahit na mayroong “weak surge” ng kaso.
Batay sa pagtaya ng OCTA, ang mga kaso ng COVID-19 ay tataas sa unang linggo at sa kalagitnaan ng Hulyo.
Gayunman, umaasa aniya sila na mapapamahalaan na ang bilang ng kaso pagsapit ng Agosto kung kailan magsisimula ang in-person classes.
Nauna nang naitala kahapon ng Department of Health (DOH) ang 4,860 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Mayo 3.
Facebook Comments