Mariing tinututulan ng ilang kongresista ang posibilidad na itaas ang alert level system para sa COVID-19.
Kasunod na rin ito ng pangamba ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa lalo na sa National Capital Region (NCR).
Giit ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, “counterproductive” sa kalusugan at ekonomiya kung sakaling itataas muli sa Alert Level 2 ang buong Metro Manila.
Para sa kongresista, panatilihin lamang ang minimum health standards at patuloy na rollout ng COVID-19 vaccines dahil natuto naman na ang mamamayan na pangalagaan ang kanilang mga sarili.
Tinukoy rin ng kongresista ang datos kung saan ₱1.6 billion ang nawala sa kita ng mga manggagawa at negosyo nang ipatupad ang mga lockdown sa NCR.