Pagtataas ng antas sa recruitment ng mga fraternity, apela ng PNP

Nanawagan ang Philippine National Police sa mga pamunuan ng fraternity na itaas ang lebel ng kanilang recruitment.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig na pinakabagong biktima ng hazing sa ilalim ng Tau Gamma Phi fraternity.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang hazing ay isang uri ng tradisyon sa mga sundalo noong panahon pa ng digmaan upang mapatunayang hindi sila makapagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga kaaway.


Aniya, wala na ang Pilipinas sa panahon ng digmaan at hindi na rin ito napapanahon kung kaya’t wala nang pangangailangan pang panatilihin ang ganitong uri ng tradisyon.

Kailangan din aniyang pag-aralang maigi ng mga namumuno sa fraternity kung ilan na ang nasasawi matapos o habang sumasailalim sa initiation rites.

Kasunod nito, nangako ang PNP na tututukan ang kaso ni Salilig at papanagutin ang mga nasa likod nang marahas na pagpatay rito.

Facebook Comments