MANILA – Pinag-aaralan ng Kamara at ng Department of Finance (DOF) na patawan ng mas mataas na excise tax ang mga bagong sasakyan.Ayon kay House Committee On Ways and Means Chairman Carlos Cua, dual purpose na ito dahil dagdag kita na sa pamahalaan at nakatutulong pa ito para mabawasan ang problema sa trapiko.Matatandaang nagpulong na ang komite at DOF para isa-isahin ang mga panukalang buwis kung saan pinakamalaking puna ay ang kawalan ng epektibong tax collection system.Kinokontra rin ni Cua ang planong tanggalin ang vat exemption sa mga senior citizen at person with disabilities.Samantala, inatasan din ng kamara ang DOF na pag-aralang mabuti ang excise tax sa mga produktong petrolyo.Posible kasi itong magresulta sa pagtaas ng bilihin at gawing mas mahirap ang pagnenegosyo sa bansa.Tinatayang nasa P180-Bilyong ang kikitain sa excise tax sa petroleum na siyang sasalo sa mawawalang pondo kapag ibinababa ang income tax.Una nang sinabi na target ng administrasyon na maging batas ang comprehensive tax reform package sa susunod na taon.
Pagtataas Ng Buwis Sa Mga Bagong Sasakyan, Pinag-Aaralan Na
Facebook Comments