Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masiguro na maitataas ang insentibo ng ating mga guro.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na taasan ang Service Recognition Incentives ng mga guro sa bansa.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, inatasan na rin niya ang mga kinauukulang ahensiya na pag-aralan ang maayos na implementasyon nito.
Kaisa raw ang kagawaran upang masigurong matatanggap ng ating mga guro ang nararapat na benepisyo at allowance.
Kinikilala rin aniya ng DBM ang hirap at sakripisyo ng mga guro sa bansa sa paghubog sa mga kabataan para sa magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang DBM sa Department of Education (DepEd) kaugnay dito.